Marian at Dingdong, nakabuo ng lalaki

November 17, 2018
Marian Rivera
Marian Rivera

Parang alam na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang gender ng second baby nila based sa reaction ’pag tinatanong sa gender ng baby na ipinagbubuntis ni Marian. Ngumiti si Dingdong nang may humulang baby boy ang second baby nila ni Marian nang tanungin sa presscon ng Cain at Abel.

Ngumiti rin si Marian nang makausap sa launching ng Kultura X Marian na collaboration niya sa Kultura at kung saan si Marian ang nag-design ng earrings at pendant. Hintayin na lang daw ang gender reveal this November dahil isi-share nila ni Dingdong sa press at sa kanilang fans.

Inulit nito na boy man o girl ang baby, magiging masaya pa rin sila nina Dingdong at Zia. Puwede pa naman daw silang sumubok uli dahil three to four kids ang gusto nila para masaya sa bahay nila.

Anyway, ang hinihintay nina Marian at Dingdong ngayon ay ang third birthday ni Zia sa November 23. Lilipad sila pa-Tokyo dahil gusto ni Zia magpunta sa Tokyo Disneyland.

Tinanong daw niya si Zia kung gusto ng party, ayaw ng bagets at gusto ngang pumunta ng Tokyo Disneyland at ibibigay ’yun ng mag-asawa.

Samantala, sa SM Megamall at SM Makati lang available ang Kultura X Marian. Ang earrings ay worth P7,999.75 at ang pendant ay mabibili sa P3,999.75. Ang gaganda ng design ni Marian, tiyak marami ang bibili.

Natanong din pala si Marian kung anong paghahanda ang ginawa ng Sunday Pinasaya  this Sunday dahil unang labas ni Regine sa ASAP. Ang sabi lang ni Marian, mahusay ang scriptwriters nila at ang staff, magandang show ang ibibigay nila.