Marian at Dingdong sinisiguradong may quality time para sa isa’t isa

May 23, 2020
Dingdong Dantes and Marian Rivera

SPANISH-themed ang espesyal na merienda date na inihanda ni Marian Rivera para sa mister na si Dingdong Dantes. Kahit nasa bahay lang, nagbihis at nag-ayos ang mag-asawa. Kuwento ni Marian sa kaniyang Instagram post, “Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang. Made a simple yet special invitation para sa Spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan...,"

Nagpasalamat naman si Dingdong sa sweet na paandar ni Marian. Sagot ng ‘Descendants of the Sun’ lead actor, "Pause muna sa mga pinagkakaabalahan para makakuha ng good vibes mula sa mainam na paandar ni Misis. Gràcias! @marianrivera.”

Komento ng netizens, mainam raw na may quality time ang dalawa para sa isa’t isa.