Marian international product endorser na

July 14, 2020

ANG 35-year-old Kapuso primetime queen na si Marian Rivera ay may  ini-endorsong antifugal cream sa Thailand na ang TV commercial ay sa Thailand mismo kinunan.

Katambal ng misis ni Dingdong Dantes ang Italian-Chinese model na si Fabio Albani sa nasabing product endorsement na hindi lamang sa Thailand TV ipinapalabas kundi maging sa Pilipinas, Cambodia, Singapore at Malaysia.

Dahil sa endorsement ni Marian na kanyang sinimulan in 2018, maituturing na siyang international celebrity endorser.

Si Marian ay nagtataglay ng isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.

Kahit may dalawa na silang anak ng mister niyang si Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy, maintained ang kanyang beauty at katawan.