Marian at kapuso stars lumagda bilang endorsers ng beautederm

November 10, 2019
Marian Rivera

LUMAGDA ng panibagong one year contract ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Beautederm Home ng Beautederm Corporation na pag-aari at pinamamahalaan ng CEO-president na si Rhea Anicoche-Tan.  Ang renewal ng kontrata ay ginanap Zenith Ballroom ng Luxent Hotel in Quezon City last Thursday ng tanghali.

Ayon sa lady boss ng Beautederm na si Rhea, naging successful umano ang kanilang partnership ni Marian.  Nag-triple umano ang kanilang sales ng iba’t ibang products ng Beautederm Home magmula nang maging celebrity endorser nito ang misis ni Dingdong Dantes.

“Marian has also become a close family friend,” pagmamalaki pa ni Rhea.
Nagpapasalamat naman si Marian sa panibagong opportunity na maipagpatuloy ang kanyang pagiging endorser ng Beauterm Home products which include soy candles to room and linen sprays in close collaboration with her.

“Hindi po ako nagi-endorse ng mga products na hindi ko ginagamit at pinaniniwalaan,” diin ni Marian.

Dahil sa malaking tagumpay ng The Reverie ng Beautederm Home kung saan si Marian ang signature celebrity endorser, nangako si Rhea na marami pa umano silang produktong ilalabas sa nasabing product line at kasama na rito ang iba’t ibang home scents tulad ng The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Chery Scene), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalytus Scent) at ang pinakapaborito ni Marian sa lahat ng scents, ang “Rest & Relaxation (Lavender Scent).

Samantala, ibinahagi rin ni Rhea na meron nang 101 branches ang Beautederm nationwide at sa ibang bansa and looking forward siya na ito’y umabot ng 200 sa isang taon.

At habang patuloy na lumalago ang Beautederm business, patuloy rin ang pagdami ng celebrity endorsers nito na ang pinaka-latest ay ang Kapuso talents na sina Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Daniela, Sanya Lopez at Camille Prats na magkakasabay na ni-launch last Saturday ng tanghali sa Luxent Hotel in Quezon City, except for Enchong Dee.

Bukod sa popular clothing brand na Bench at ang Belo Medical Group, ang Beautederm ang may pinakamaraming celebrity endorsers ngayon.

Nakakarating na rin ang all-Filipino made beauty products and various scents  ng Beautederm sa ibang bansa including Singapore and soon in New Zealand.