Home>Entertainment>Showbiz>Marian kinilala ng People Asia

Marian kinilala ng People Asia

Marian Rivera-Dantes
Marian Rivera-Dantes

PINANGUNAHAN ni Marian Rivera ang listahan ng People Asia magazine na ‘2020’s women of style and substance’ para sa kanilang August-September issue.

Kinilala ang Kapuso Primetime Queen bilang isa sa mga kababaihang hindi lang sa kagandahan may ibubuga kung hindi pati na rin sa kani-kanilang larangan.

Kasama rin sa listahan ang Beautederm CEO na si Rhea Anicoche-Tan. Isa sa top endorsers/partners ng Beautederm si Marian.

Sa kanyang magazine cover and feature, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang kwento ng pagsusumikap at journey to stardom.

Nagpasalamat naman si Marian sa pagkilala ng naturang lifestyle magazine, “It’s an honor to be a part of @peopleasia’s Women of Style and Substance 2020. Let’s keep on inspiring and empowering women.”

Hindi naman nagpahuli ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes na biruin at batiin ang asawa sa kanyang Instagram post, “Sabi na nga ba May Samting itong nakilala ko kahapon eh. Akalain mong nasa People Asia cover pala siya? Lupet!”

Talagang malupet.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal