Marian, madrama sa bahay -- Dingdong

December 10, 2018
Marian Rivera

... aktres, nakasungkit ng best actress award.

Nag-uumapaw ang pagka-proud ni Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera na itinanghal na best actress sa awarding ceremony ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) sa 8th Overseas Filipino Workers (OFW) Gawad Parangal last Sunday.

Nanalo si Marian para sa Milya-milyang Agwat ng Mag-ina episode ng kanyang drama anthology series na Tadhana directed by none other than her husband.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinirek ng aktor ang kanyang misis at nanalo pa agad ng award, kaya naman pareho silang masayang-masaya.

Sa IG post ni Dong kahapon, kitang-kita kung gaano siya ka-proud at kasaya para sa asawa.

“In 2007, I had the privilege of working with Marian in Marimar,” ang simula ng post ni Dong, “and as her co-actor, I saw in her that extraordinary talent that most people in our industry -- including myself -- would want to achieve and unlock.”

Hindi raw niya inakala na darating ang araw na maididirehe niya ang asawa.

“I never thought the day would come when I could direct her in a sensitive drama that showcased her God-given gift.

“So, here she is now, more than a decade after, with an official recognition by the OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI for her exemplary performance in Tadhana. I am so happy to have witnessed firsthand the milestone behind the camera.

“The great Maryo J once said that a director will always be the first to see what he/she wants the audience to experience.

“True enough, during that episode, I knew that this day would come,” pahayag pa ni Dong.

Ayon pa sa bida ng seryeng Cain at Abel, mananatili raw na best actress si Marian maging sa bahay nila.

“On and off screen, in my lens as a husband, she will always be my best actress. Magaling din kasi magdrama sa bahay.

“So proud of you, Baby. Congratulations on this much-deserved, long overdue award!” mensa- he pa ni Dong.

Sa kanyang Instagram award ay nagpasalamat si Marian sa award-giving body and of course, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang director-husband.

“Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director. Salamat sa ’yo, Mahal ko, sa suporta, pag-aalaga at pag-guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap,” ang post ni Marian.

Si Dingdong naman ang nanalong best documentary host para naman sa kanyang show na Amazing Earth at si Marian ang tumanggap ng kanyang parangal.