Marian masaya na nakipagbati kay Lovi

November 16, 2019
Marian Rivera  & Lovi Poe

SA renewal ng kontrata ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang brand ambassador ng Beautederm Home na ginanap sa Luxent Hotel in Quezon City last November 7, masaya nitong ibinalita na nagkaayos na sila ng kapwa niya Kapuso , ang singer-actress na si Lovi Poe.  Ito’y nangyari nang magkita ang dalawa sa “Sunday Pinasaya” kung saan isa sa hosts si Marian at guest naman si Lovi.  Nagyakapan at nag-usap ang dalawa na nasundan pa ng text.

Kung tutuusin, tila naipit lamang umano si Lovi sa naging away noon nina Marian at Heart Evangelista nang gawin nila nina Solenn Heussaff ang pelikulang “The Temptation Island” in 2011.

May pagkakataon namang inisnab umano ni Lovi si Marian na kasama noon ng husband na niya ngayon na si Dingdong Dantes.  Binati umano ni Lovi si Dingdong pero hindi si Marian.   Gumanti naman umano si Marian kay Lovi noon sa “Sunday All Stars” nang batiin umano ng misis ni Dingdong si Solenn Heussaff na katabi lang ni Lovi.

But everything now is water under the bridge at masaya ang pakiramdam ni Marian na wala umano siyang kagalit.

Sina Marian at Heart kaya kailan magkakaayos?