Marian nagpapa-breastfeed kay Baby Ziggy

April 22, 2019
Marian Rivera

NAGPAPA-BREASTFEED si Marian Rivera sa kanyang newborn baby boy, na ipinakilala na nila sa social media ng kanyang mister na si Dingdong Dantes bilang Baby Ziggy.

Nanganak si Marian noong April 16 bandang alas-7:00 ng gabi.

Sampung oras na nag-labor si Marian bago lumabas ang kanilang bagong bundle of joy.

Three years bago nasundan ang kanilang panganay na si Letizia. Ayon sa caption niya sa kanilang post noong Easter Sunday:
 
"Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t nag-uumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa supporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat."

Ayon pa kay Marian, kumpleto na ang kanyang pagkababae dahil sa paglabas ni Ziggy.

"Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay," sabi pa ni Marian.