Marian nakahanap ng bagong ‘kapuso’

October 28, 2018
Marian Rivera
Marian Rivera

TUWANG-tuwa ang panganay kong si Fatima nang makita ang mga dala-dala kong giveaways mula sa bonggang-bonggang presscon ng Reverie by Beaute Derm Home ni Rhea Anicoche Tan para sa bago niyang produktong ini-endorso ni Marian Rivera ngayon.

Binitbit niya ang lahat ng dala-dala ko at masiglang ibinalita na iyon pala ang mga skin care at scents na lagi kong sinisinghot-singhot tuwing magagawi ako sa kanyang bahay.

Iyon din pala ang pangako niyang ireregalo sa akin ngayong Pasko, lalo’t hindi na ako nakakapag-shopping sa panahong ito na talamak ang traffic sa kalsada at malls.

“Mukhang sosyal ang amoy,” pagyayabang niya, lalo na ang paborito niyang candle and room spray na gawa sa purong soy beans.Kaya guaranteed for the safety of the whole family.

Sa lagay palang iyon, ako ang magbibigay sa kanya ng mga gusto niyang ibigay sa akin.

Ito rin ang paboritong amoy na nalalanghap ng  beloved husband ni Marian na si Dingdong Dantes at anak na si Zia.

Samantala, mukhang nakahanap si Rhea ng kaibigan na alam niyang maging kapuso niya, lalo’t ganun din ang turing sa kanya ni Marian.