Marian, never magiging losyang!

February 11, 2019
Marian Rivera

IPINARATING ni Marian Rivera ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili sa bago niyang collaboration para sa isang jewelry line na kanyang dinisenyo.

Aminado si Yan na dumating ang panahon na sinentro niya ang isipan sa pagmamahal sa kanyang pamilya bago ang sarili.

“Minsan kasi ’pag nanay ka na, gusto mo sa kanila na lang. Focused ka na lang sa asawa mo, sa anak mo.

“Siguro kung malakas ang personality mo parang ako, sasabihin mo sa sarili mo, ‘Sandali, bakit parang kulang?’ Dapat talaga manggaling sa sarili mo na, ‘Mahal na mahal ko ang sarili ko bago ko mahalin ang asawa at anak ko,’” pahayag ni Marian sa interview.

Kaya naman payo niya sa kababaihan, “Dapat wala tayong hinihintay na okasyon. Kailangan everyday special tayo, every day binibigyan tayo ng halaga.

“Kailangan i-empower natin tayong mga babae. Dapat pare-parehas tayong nagtutulungan,” deklara ni Mrs. Dingdong Dantes.

Pagdating sa family, laging bukas ang oras ni Yan dahil nitong nakaraang mga araw, nakasama niya ang pamilya sa isang lugar sa Laguna para sa kanilang family day.

Pero nagagawa rin niyang maglaan ng oras para sa kaibigan gaya ng pagtupad sa pangako sa kaibigang si Boobay dahil na-guest siya sa episode last Sunday ng The Boobay and Tekla Show.

Take note, may part 2 pa ang guesting ni Yan sa Kapuso comedy show, huh!

No wonder, walang puwang kay Marian ang salitang losyang kahit magdadalawa na ang anak niya, huh!