Marian, paandar ang sorpresa kay Dingdong

February 15, 2019

PAANDAR ang sorpresa ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes nu’ng Valentine’s Day. Eh, busy si Yan sa araw na ’yon dahil sa orders ng negosyong bulaklak kaya pag-uwi ni Dong, sumalubong sa kanya ang inayusang bahay with matching food para sa isang boodle fight.

Ipinakita ni Dong sa kanyang Instagram account ang ayos ng bahay nila nu’ng umuwi siya.

“This beautiful  set up greeted me when I came home tonight. Wala akong masabi. Hanep. Saktong kuwentuhan, tawanan at siyempre -- panalong boodle fight. Salamat sa aking mag-iina @marianrivera.”

Sa bahay naman ni Barbie Forteza, isinilebreyt nila ng boyfriend na si Jak Roberto ang Araw ng mga Puso.

Nagpatulong si Jak para ayusin at palibutan ng red roses ang dinner table.

Wala sa hinagap ni Barbie na merong sorpresa si Jak dahil late na nilang pinagsaluhan ang okasyon.         Naiyak ang bida ng upcoming Kapuso series na Kara Mia sa pasabog ng boyfriend sa video na pinost ng Kapuso actor sa IG.

Sa bahay naman nag-celebrate ng V-Day si Kim Chui. Ang sister niya ang nagluto ng food kaya hindi na siya nakisawsaw pa sa traffic.

Naging espesyal ’yon nang dumating ang BF niyang si Xian Lim na tinapos nang maaga ang  pagdidirek ng Cinemalaya entry niya.

Basta para kay Xian, araw-araw ay Valentine’s Day para sa kanila ni Kim.

’Yung ibang celebs gaya ni Matteo Guidicelli ay picture nila ng GF na si Sarah Geronimo ang inilabas sa IG.

“Celebrating love with you, you’ve made it so special, so new, so fresh. Thank you for your beautiful soul. I love you forever. Happy Valentine’s! You are the most beautiful, magical human being ever!!!” caption ni Matteo.

Simpleng picture na magkasama sila ng BF na si Neil Arce naman ang pinost sa IG ni Angel Locsin.

Caption ni Gel, lalaking tingnan si Neil, pero umiiyak pa rin sa sad movies.

Si Gabbi Garcia naman, ang rumored BF na si Khalil Ramos ang ka-date.

“Good food, great stories, perfect partner. Happy Valentine’s,” caption niya sa photo ni Khalil sa IG.