Mariel, mag-aaral ng classical voice sa New York

February 01, 2019

“It’s tiring, ayoko nang mag-diet,” ang sagot ni Bb. Pilipinas International 2017 Mariel de Leon nang tanungin sa pocket interview para sa V-Day concert na Master of Love kung bakit ayaw na niyang sumali pang muli sa mga beauty pageant at ayaw na niyang maging beauty queen.

Matatandaang last November ay nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account na ayaw na niyang matawag na beauty queen at isinara na raw niya ang chapter na ito ng kanyang buhay.

“At ayoko na ng Q&A (question and answer portion),” natatawa pa niyang sabi. “I mean, I like interviews, but Q&A (sabay-iling),” sabi ni Mariel.

Pero dagdag niya, “For me, it was the fun part sa Binibini, but I don’t want to get through it again. I mean, I like it but I don’t want to do it again.”

Nakausap din daw nga niya ang ibang beauty queens at iisa ang sinasabi ng lahat -- “it’s tiring.”

Ngayon ay may bago nang mundong papasukin si Mariel at ito ay ang musika.

Na-realize raw niyang mas gusto pala niyang maging classical singer at gusto niyang mag-aral ng classical voice sa New York.

In fact, nakaplano na siyang pumunta sa NY next month para tumingin ng school na papasukan, pero one month lang daw siya roon at next year pa naman niya balak mag-aral.

Four years siyang mag-aaral sa US at willing daw siyang i-give-up ang kanyang career dito sa Pilipinas.

Late bloomer daw siya kaya recently lang niya na-realize what she wants in life.

“I’m more sure now that I wanna do singing more and maybe, hopefully, more plays, if there are auditions,” she said.

Bilang simula ng kanyang pagiging singer, special guest nga si Mariel sa Valentine concert ni Ogie Alcasid na Master of Love on Feb. 14, 8 p.m., sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.