Mariel nag-leave of absence na sa 'Showtime'

August 26, 2019
Robin Padilla and Mariel Rodriguez

MAG-TI-THREE years old na ang unang supling ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na si Maria Isabella sa darating na November 14 at sa buwan din ng November nakatakdang isilang ni Mariel ang second baby girl nila ni Robin na si Maria Gabriella.  November 23 naman ang kaarawan ni Robin who is tuning `golden boy’ on his birthday.

Tulad ni Maria Isabella, balak din ni Mariel na sa Amerika rin isilang ang kanilang magiging second baby ni Robin.  Naka-leave of absence na ngayon si Mariel sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime”.

Mariel had two miscarriages in 2015.

Ang isisilang na baby girl ni Mariel ay pampitong anak ni Robin sa tatlong magkakaibang babae na ang panganay na anak na si Camille Orosa ay anak ni Robin sa US-based former actress na si Leah Orosa.  Apat naman ang anak ni Robin sa kanyang dating misis na si Liezl Sicangco nan aka-base na sa Australia, sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen.