Mariel nakasama sa New York fashion show

February 15, 2020

PROUD father si Christopher de Leon ng kanyang anak na si Mariel de Leon dahil nakasali ito sa New York Fashion Show 2020 sa New York City noong February 5.

Kabilang si Mariel sa mga model para sa Skims, ang shapewear brand ni Kim Kardashian at ayon kay Christopher, “ plus size model “ ang former beauty queen daughter nila ni Sandy Andolong.

“They call it plus size eh kasi sa America, puro plus size,”ang sabi ni Christopher nang makausap namin siya sa contract signing niya bilang bagong male celebrity endorser ng Beautederm, ang beauty products company na pag-aari ng businesswoman na si Rhea Tan.

Isa si Christopher sa mga hinahangaan na aktor ni Rhea kaya tuwang-tuwa ito dahil nakuha niya ang serbisyo ng multi-awarded actor.

Tiniyak ni Rhea na massive advertising campaign tulad ng giant billboards ang inihahanda niya para kay Christopher dahil malaking karangalan na pinagkakatiwalaan ng Drama King ng Philippine Movies ang men’s line ng Beautederm.