Home>Entertainment>Showbiz>Mariel naging representative ng buong Padilla clan

Mariel naging representative ng buong Padilla clan

Padilla clan
Padilla clan

HINDI nakauwi ng Pilipinas dahil sa pandemya si BB Gandanghari (Rustom Padilla) para sa burol ng nakatatandang kapatid, ang part-time actor na si Royette Padilla na sumakabilang-buhay nung January 8, 2021 at age 58 dahil sa sakit sa puso.

Sa pamamagitan ng misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ay pinasalamatan nito ang lahat ng nakiramay at nag-offer ng dasal sa pagpanaw ng kapatid na si Royette.

“Maraming salamat sa lahat ng nakiramay, sa lahat ng nagdasal at nakiramay. I admire the strength of the Padilla family. The pain they are going through is immeasurable but despite that, they choose to honor and celebrate the colorful life of Kuya Royette,” post niya sa kanyang Instagram account.

Si Royette ay nagmula sa showbiz royalty na pinangunahan ng kanyang yumaong ama, ang dating actor-politician na si Roy Padilla, mga kapatid na sina BB Gandang Hari, Robin Padilla, Rommel Padilla, mga pamangkin na sina Daniel Padilla, Kylie Padilla at RJ Padilla at mga pinsan na sina Zsa Zsa Padilla, Bebong Osorio, ang yumaong action star na si Rudy Fernandez at iba pa. Ang ina ni Royette na si Eva Carino ay dati ring actress.

Viva sunud-sunod ang ikinokontrata

SA kabila ng pandemya at pagkawala ng trabaho ng maraming artista, sunud-sunod ang pagsa-sign up ng Viva Artists Agency (VAA) ng mga artist, young and old alike.

Just very recently ay magkakasunod na lumagda ng management contract with Viva sina Baron Geisler at mga veteran actor na sina Gardo Versoza, ang magkapatid na Rey `PJ’ Abellana at Jojo Abellana, Cristina `Kring-Kring’ Gonzales at ang dating sex goddess na si Rosanna Roces. Pumirma na rin sa Viva ang nagbabalik-showbiz na si Alma Moreno na sobrang laki ng ipinayat.

Sina Alma at Rosanna ay magkasama sa upcoming Vivamax initial offering, ang sex-comedy digi-movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na sinulat at dinirek ng young director na si Darryl Yap na siya ring nagdirek ng hit launching movie ng singer-actress na si Kim Molina, ang “Jowable” in 2019.

Kasama rin sa “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” ang iba pang sex goddess sa kanilang henerasyon na sina Ara Mina at Maui Taylor. Kasama rin sa movie sina Katya Santos at ang upcoming sexy stars ng Viva na sina AJ Raval (daughter of actor Jeric Raval), Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel.

Baron balik-Maynila matapos ikontrata ng Viva

BUKAS, January 20 ay first birthday ni Talitha Cumi, ang unang baby ng actor na si Baron Geisler at wife nitong psychologist na si Jamie Evangelista.

Ang mag-asawang Baron and Jamie were in Manila for a couple of days dahil sa mga showbiz commitment ng actor pero lumipad sila pabalik ng Cebu (where they are currently based) today to celebrate the first milestone of their daughter.

“First time naming mag-asawa na napawalay sa baby namin,” pahayag ni Baron na isa nang contract talent ngayon ng Viva.

Last Friday afternoon ay humarap si Baron sa ilang entertainment press via digital press conference para i-share ang mga pagbabago sa kanyang buhay at sa kanyang showbiz career. Umaasa ang actor-entrepreneur na mas magiging busy siya sa taong ito sa mga bagong proyekto na ibibigay sa kanya ng Viva.

May tinapos na ring pelikula si Baron sa bakuran ng Viva, ang “Tililing” na dinirek ni Darryl Yap kung saan niya kasama sina Gina Pareno, Candy Pangilinan, ang singer-actress at sikat na YouTuber na si Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana at ang stand-up comedian and vlogger na si Chad Kinis.

Since karamihan ng tapings and shootings ay nasa Metro Manila, malamang na kumuha si Baron ng matutuluyan sa Maynila. Importante rin sa kanya ang sasakyan. He sold his car noon nang siya’y mag-relocate sa Cebu, ang hometown ng kanyang wife na si Jamie where he runs his own barbershop at t-shirt business.

Ria gustong pakasalan si Marco kung libre pa at 35

IT was last December 28, 2020 nag-propose ang 26-year-old ex-PBB housemate-turned actor na si Patrick Sugui sa kanyang fiancée na ngayon, ang social media influencer na si Aeriel Garcia. At nung nakaraang January 8, ang mga kaibigan naman ng young couple ang nag-treat sa kanila sa pamamagitan ng isang yacht party sa Manila Yacht Club at nag-sail along Roxas Blvd. Bukod sa engaged couple, kasama sa tropa ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Khalil Ramos and Gabbi Garcia at ang magkaibigang Marco Gumabao at Ria Atayde at ilan pa sa kanilang mga kaibigan.

Ayon sa dalaga ng veteran actress na si Sylvia Sanchez na si Ria Atayde, may deal umano sila ni Marco (Gumabao) na kapag 35 na sila at hindi pa rin sila kasal kung kaninuman, si Marco umano ang kanyang pakakasalan.

Si Ria ay nali-link ngayon sa Kapamilya actor na si JM de Guzman habang si Marco ay wala umanong steady girlfriend ngayon. Pero barkada umano ang turingan nina Ria at Marco kasama ang iba nilang common friends.

Alex at Mikee magkakaroon pa rin ng grand wedding

Alex Gonzaga and Mikee Morada
Alex Gonzaga and Mikee Morada

IT was through her Instagram at sa kanyang YouTube channel nalaman ng publiko na kasal na pala si Alex Gonzaga sa young businessman at politician ng Lipa City na si Mikee Morada nung nakaraang November 2020 sa isang civil wedding rites na ginanap mismo sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal. Ito’y dinaluhan ng respective immediate family members ng couple.

Sina Alex at Mikee who were introduced to each other by their common friend na si Piolo Pascual got engaged in Hong Kong nung December 27, 2019. They were supposed to get married last October pero hindi ito natuloy and had it moved to November instead. Pero kapag okey na ang sitwasyon ay saka lamang nila gagawin ang kanilang inaasam na grand wedding kung saan din nila inaasahang dumalo ang kanilang ibang kamag-anak at mga kaibigan.

Sina Alex at Mikee ay naging magkasintahan in 2016.

Masaya ang elder sister ni Alex na si Toni Gonzaga-Soriano for her younger sister (and only sibling) ngayong may-asawa na rin ito.

Arci pagkatapos maging reservist, gustong maging piloto

Arci Munoz
Arci Munoz

SINGER-actress and military reservist Arci Munoz (Ramona Cecilia Arci Datuin Munoz) turned 32 last January 12 at isa sa kanyang birthday wish ay ang maging isang piloto.

Nakatakdang mag-aral sa isang flying school si Arci sometime in February or March this year kapag lumuwag-luwag na ang kanyang tapings and other showbiz commitments.

Marami ang pinahanga ni Arci nang ito’y mag-training sa Philippine Air Force bilang army reservist na may ranggo bilang sergeant.

Hindi ikinakaila ng singer-actress ang hirap na kanyang pinagdaanan sa kanyang military training and there were even times na umiiyak na umano siya sa hirap. Pero kinaya niya ito.

Gusto ni Arci na maging inspirasyon sa mga kabataang babae.

During the relief distribution ng AFP sa Catanduanes ay isa si Arci sa mga tumulong.

Subscribe, like and share “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger