Mariel at Robin umaasang boy ang pangalawang anak

May 12, 2019
Mariel Rodriguez
Mariel Rodriguez

MASAYANG ibinalita ng TV host na si Mariel Rodriguez sa kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” at sa madlang pipol that she’s three months pregnant sa kanilang magiging second baby ng husband niyang si Robin Padilla.

Ang panganay nilang anak na si Isabella ay magta-tatlong taon na sa darating na November 14.

Kung matatandaan pa, dalawang beses nagka-miscarriage si Mariel nung taong 2015 at hindi nito ikinakaila na sobra umano siyang na-depress.  Pero nang muling niyang ipagbuntis  si Isabella ay doon lamang siya totally naka-recover.

Parehong excited ang mag-asawang Robin at Mariel sa kanilang magiging second baby gayundin ang kanilang panganay na si Isabella na malapit nang maging ate.  

Sa ngayon ay hindi pa alam nina Robin at Mariel ang gender ng kanilang second baby although pareho silang umaasa na sana’y maging boy ito.