Maris umaming in love kay Iñigo

September 01, 2019
Maris Racal, Iñigo Pascual

INAMIN ni Maris Racal na na-in love talaga siya kay Inigo Pascual. Sa presscon ng pelikulang 'I'm Ellenia L' ng Spring Films at N2 Productions, sinabi niyang nararamdaman din niya ang pagmamahal sa kanya ng binata, pero hindi sila umabot sa pagkakaroon ng totoong relasyon.  

In fact, wala naman sanang problema dahil una, gustung-gusto nga siya ni Piolo Pascual para sa anak nito, pero nagkaroon sila ng kalaban. "Time po," ani Maris. "Wala siyang time sa akin."

Kung tutuusin, pareho ang problema nila. Marami ring ginagawa si Maris dahil bukod sa pelikula, may bago pa siyang sisimulang TV series, ang 'Pamilya Ko' sa ABS-CBN na papalit sa 'Nang Ngumiti ang Langit.'

Busy naman si Inigo sa kanyang singing career, and he has to fly to L.A .every now and then para sa kanyang commitment sa TFC. Well, sabi nga, kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.