Maritoni ikinasal uli

July 07, 2020
Maritoni Fernandez
Maritoni Fernandez and Mon Dayrit

IKINASAL ang actress-entrepreneur na si Maritoni Fernandez  sa businessman na si Mon Dayrit sa isang simple wedding rites sa Paranaque City hall kahapon, araw ng Martes, July 7 na dinaluhan din ng mga anak ni Mon sa kanyang unang asawa.

Si Maritoni ay unang kasal sa ex-husband na si Alexander Alvarez kung kanino siya may anak, ang aktres na si Lexi Fernandez.

Maraming mga kasamahan at mga kaibigan ni Maritoni sa showbiz ang natutuwa at  nag-congratulate sa kanya at sa kanyang bagong mister. 

Si Mon ay Chief Administrative Officer ng isang local investment company.