Maritoni at Mon may instant family

July 09, 2020
Maritoni Fernandez

MATAPOS ang kanilang civil wedding ceremony in Paranaque City Hall last Tuesday, July 7, nasa honeymoon ngayon ang newlywed couple, ang actress, entrepreneur at cancer survivor na si Maritoni Fernandez at ang businessman na si Mon Dayrit.

Ang bagong couple ay may tigdalawanganak sa kanilang former partners.  Si Maritoni ay may Lexi at Liam habang may Julian at Diego naman si Mon kaya instantly ay may apat na anak ang bagong mag-asawa.

Even before the marriage ay tanggap na ng kanilang respective children ang kanilang relasyon kaya isang pamilya ang kanilang turingan ngayon.