Home>Entertainment>Showbiz>Mark at Nicole magiging parents na pero mauurong ang kasal

Mark at Nicole magiging parents na pero mauurong ang kasal

Nicole Donesa and Mark Herras
Nicole Donesa and Mark Herras

MALAPIT na namang maging ama ang Starstruck alumnus na si Mark Herras (33) ngayong five months pregnant na ang kanyang fiancée, ang singer-actress at dating beauty queen na si Nicole Donesa (26).

Si Mark ay may 6-year-old daughter sa kanyang dating personal assistant na si Diane Evangelista.

Si Nicole ay laking Amerika pero ito’y bumalik ng Pilipinas in 2013 para sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant. In 2014, siya’y sumali sa Miss World Philippines kung saan siya tinanghal na 3rd Princess.

Sina Mark at Nicole ay unang nagkakilala at nagkalapit sa set ng “Bihag” kung saan sila nagkasama in 2019. The two confirmed their relationship in August 2019 and got engaged on June 5, 2020.

Since ipinagbubuntis ngayon ni Nicole ang magiging first baby nila ng kanyang fiancé na si Mark, mapu-push back to a later date ang kanilang planong pagpapakasal.

Bago nakilala ni Mark si Nicole ay dati ring beauty queen-actress ang ex-girlfriend ng actor na si Winwyn Marquez. The former couple confirmed their break-up in February 2019.

Derek dinenay na nagli-live in sila ni Andrea

Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

DINENAY ng actor na si Derek Ramsay (43) ang naglabasang mga balita na nagli-live in na umano sila ng kanyang girlfriend of one year na si Andrea Torres (30).

Although si Andrea na umano ang gusto niyang pakasalan at gustong makasama habambuhay, naghihintay lamang si Derek ng tamang panahon when to propose to his girlfriend.

Napagkamalang nagli-live in na sina Derek at Andrea nang makita ang dalawa na magkasama habang ipinapakita ng actor ang kanyang bagong ipinatayo at nilipatang 3-storey house sa Alabang, Muntinlupa. Ito’y paghahanda na rin umano ni Derek sa kanyang magiging future family.

Ang construction ng bagong bahay ni Derek ay sinimulan nung girlfriend pa niya ang model na si Joane Villablanca na naging kasintahan niya sa loob ng anim na taon.

Baby boom sa showbiz tuluy-tuloy

Erika Padilla, Jeff Cariaso and Baby Estella Gloria
Erika Padilla, Jeff Cariaso and Baby Estella Gloria

PATULOY ang celebrity baby boom sa taong 2020. Ito na yata ang taon na may pinakamaraming celebrities ang nagsilang ng kanilang mga baby.

Hindi rin nagpahuli ang actress, model at sportscaster na si Erika Padilla (33) who gave birth to her second baby with husband, Fil-Am Alaska aces coach at dating PBA player na si Jeff Cariaso. Si Erika ay nagsilang ng baby girl na si Estella Gloria last Saturday, September 12. Ang panganay ng mag-asawa na si Jet ay three years old last September 3.

Si Erika ay nanalong Miss Photogenic sa 2008 Miss Bikini Philippines. Naging bahagi rin siya ng Star Magic Batch 16. Siya’y nagtapos ng Political Science sa Ateneo de Manila University.

Si Erika ay anak ni Gen. Ricardo Ilagan Padilla, dating director general ng Region 4 (Calabarzon) at ngayon ay mayor ng Bongabon, Nueva Ecija.

Ang mag-asawang Erika at Jeff ay ikinasal sa Amerika nung June 2017.

Heaven ‘di raw humingi ng P100 K sa mga Pacquiao

Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo
Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo

SA magkahiwalay na Instagram post ng mag-inang Jinkee at Jimuel Pacquiao, kanilang klinaro ang lumabas na balita na `nanghingi’ umano ang young Kapamilya actress at ex-PBB housemate na si Heaven Peralejo ng P100,000 `ayuda’ sa boxing hero-turned senator na si Manny Pacquiao. Ayon kina Jinkee at Jimuel hindi umano nanghingi ng ayuda si Heaven at hindi rin daw nagbigay ng P100K ang kanilang pamilya sa young actress.

Si Heaven ay ex-girlfriend ni Jimuel, panganay na anak ng mag-asawang Sen Manny at Jinkee Pacquiao.

Alden nakasama si Jasmine sa unang pagkakataon

MAGKATAMBAL sa kauna-unahang pagkakataon sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa pilot episode ng bagong mini series ng GMA, ang “I Can See You: Love On the Balcony”. Ang dalawa ay gumaganap sa papel na Inigo Mapa (Alden) na isang photographer habang si Lea naman si Jasmine na isang nurse. Ang dalawa ay magkapit-condo na nagka-inlaban.

Si Alden ay huling napanood sa TV drama series na “The Gift” which was aired nung September 16, 2019 at nagtapos nung nakaraang February 7, 2020.

Bukod sa bagong mini-series, si Alden ay regular pa ring napapanood sa longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” maging sa Sunday musical variety show ng GMA, ang “All Out Sundays”.

Samantala, isa si Alden sa mga restaurateur ang naapektuhan ang negosyo dahil sa pandemya. Bukod sa sarili niyang franchise ng McDonald’s, si Alden ay nagma-may-ari ng tatlong branches ng Concha’s Garden Café na matatagpuan in Silang, Cavite, Tagaytay at sa Quezon City.

Sa edad na 28, Alden was able to provide a comfortable life sa kanyang pamilya.

Up to this day ay nananatili pa ring unattached ang ultimate Kapuso heartthrob.

Arjo at Maine natigil ang hilig

PAREHONG mahilig mag-travel ang magkasintahang Maine Mendoza (25) at Arjo Atayde (29). Nahinto lamang ito dahil pandemya at restricted lahat ang mga biyahe both sa domestic at international flights.

Arjo Atayde and Maine Mendoza
Arjo Atayde and Maine Mendoza

On November 5 ay 30th birthday ng binata ni Sylvia Sanchez kaya tiyak na may plano sila ni Maine on this day.

Sa darating na December ay magdalawang-taon na rin ang relasyon ng dalawa. The two met sa set ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kung saan din tampok sina Vic Sotto at Coco Martin.

Samantala, sa mga panayam kay Arjo, inamin ng binata na si Maine na umano ang kanyang `the one’ at gustong pakasalan.

Magmula nang maging open ang relasyon nina Maine at Arjo sa publiko ay unti-unti namang nag-die down ang pagiging phenomenal loveteam nina Maine at Alden Richards na pumutok in July 2015.

Tatay ni Ogie pumanaw na

Ogie Alcasid and his dad
Ogie Alcasid and his dad

NAG-POST sa kanyang social media account ang singer-composer-host-comedian na si Ogie Alcasid sa pagpanaw ng kanyang mahal na ama na si Herminio Alcasid, Sr.

“I will miss you so much dear Dad. My heart grieves knowing you are gone but I am at peace because there is no more pain and no more suffering dear papa. Rest with Jesus. I love you so much.”

Naiwan ni G. Alcasid ang kanyang misis na si Herminia Alcasid, mga anak at mga apo.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)