Mark masaya kahit lumipad si 'Alladin'

January 17, 2020
Mark Bautista
Mark Bautista

HINDI lamang si Mark Bautista kundi maging ang kanyang malalapit na mga kaibigan ang nanghinayang sa pagkakataong makapag-audition  siya sa Broadway re-run ng “Aladdin”.

May ipinadalang e-mail kay Mark para sa audition ng Broadway musical play na “Aladdin” in New York City, USA last January 7 pero nabuksan lamang niya ang kanyang e-mail three days later.

Late man nasagot ni Mark ang e-mail, umaasa pa rin siya na mabibigyan pa rin siya ng ibang pagkakataong makapag-audition sa nasabing hit musical play.

Naniniwala naman ang kasama ni Mark sa kanilang upcoming “1 for 3” concert with Christian Bautista on February 1 sa The Theatre at Solaire na si Aicelle Santos na hindi ito nangangahulugan na wala nang pagkakataong muli na matawag si Mark sa audition. Tulad sa nangyari sa kanya noon nang siya’y mag-audition for “Miss Saigon” kung saan niya kapanabayan si Rachelle Ann Go, later part na siya natawag para naman sa U.K. tour ng “Miss Saigon”.

“Everything happens for a reason,” pahayag ng misis na ngayon ng dating GMA news reporter na si Mark Zambrano na si Aicelle.

Ipinahayag naman ni Christian na kung sakaling natuloy si Mark lumipad for the audition ng “Aladdin” ay susuportahan umano nila ito.

Christian, Aicelle and Mark have something in common --bukod sa kanilang pagiging mainstream singers -actors, pare-pareho na rin silang stage actors.

Sina Christian, Aicelle at Mark ay pare-parehong mainstays ng bagong simulang Sunday musical variety show ng GMA, ang “All Out Sunday” na pinangungunahan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

Speaking of Christian, Aicelle at Mark, inamin ng director ng kanilang upcoming “1 for 3” concert na si Paolo Valenciano na very much involved umano ang tatlo hindi lamang as artists and producers ng kanilang concert kundi maging sa konsepto at mga pangangailalan ng kanilang show.

Since silang tatlo ang producer ng kanilang concert, nag-waive sila ng kanilang respective talent fees.

Samantala, since pareho nang may asawa sina Christian at Aicelle at ikakasal na rin sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at may asawa na rin si Rachelle Ann, pinu-push naman nila na magkaroon ng girlfriend and eventually asawa si Mark na nginingitian lamang ng huli.

“Gusto ko rin namang magkaroon ng sarili kong pamilya,” pahayag ni Mark nang huli namin itong makapanayam.

Si Mark ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya na nabigyan na rin naman niya ng sarili nilang pagkakakitaan.