Mark nalampasan na ang kontrobersiya

September 26, 2019
Mark Bautista

IT was in February 2018 nang maging controversial ang singer-actor at international musical stage performer na si Mark Bautista na may kinalaman sa kanyang librong “Beyond that Mark” which was published and released ng VRJ Books ng Viva, his home studio.

Marami ang ginulat ni Mark including his family, close friends and followers.  He was praised by many dahil sa kanyang tapang sa pagsiwalat about himself, his experiences and journey in life and he was also bashed in the social media na hindi pumabor sa ginawa niya.

But more than anything else, ang pakiramdam niya ay tila nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib at mas masaya, kumportable at relaxed na ang kanyang pakiramdam niya ngayon matapos niyang isiwalat ang lahat-lahat tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Yes, he is a self-confessed bi-sexual.  Pero hindi raw ito nangangahulugan na wala siyang balak  magkaroon ng sarili niyang pamilya  o mga anak balang araw sa kabila ng kanyang pag-amin na  sa kanyang best-selling book.

Hindi ikinakaila ni Mark na na-inspire siya sa CNN news anchor/TV host and book author na si Anderson Cooper kaya niya isinulat ang libro na “Beyond That Mark”. Nagkita at nagkuwentuhan sina Mark at Anderson sa studio mismo ng CNN sa America nang minsan dumalaw doon ang singer-actor.

Binigyan din si Mark ni Anderson ng kanyang libro.

Hindi ikinaila ni Mark na matagal-tagal din siyang nanahimik nung nasa kalagitnaan ng kontroberiya ang kanilang inilabas na libro dahil ang pakiramdam niya noon ay `You and me against the world’ ang trato sa kanya ng marami after the book came out.

“I changed my number at umiwas ako kahit sa mga friends ko,” pag-amin ni Mark nang ito’y aming bisitahin sa kanyang bahay sa isang exclusive subdivision in Quezon City kahapon.

Although bihira kami magkita, Mark has always been a friend kaya naman hindi ito nagdalawang salita kung puwede ko siyang bisitahan sa kanyang bahay para makipagkuwentuhan one afternoon.

Inamin sa amin ni Mark na pagkalipas ng `unos’ sa kanyang buhay, at matapos mag-die down ang kontrobersiya dahil sa kanyang libro, ang pakiramdam niya ay isa na siyang changed person.

Mas masaya, mas kumportable at mas relaxed sa kanyang mga kilos ngayon nang walang kinakatakutan.  Part of him was freed.

Habang nagkukuwentuhan kami ni Mark, inamin nito sa amin na gusto