Mark tuloy ang concert kahit yumao ang ama

January 27, 2020
Mark Bautista

HINDI na umabot ang namayapang ama ni Mark Bautista sa kanilang wedding anniversary ng kanyang ina kaya during the wake ay nag-request ang ina ni Mark sa anak na isayaw siya habang kinakanta ng younger brother niya  ang awiting “Dancing with My Father.” Si Mark ang proxy ng kanyang ama.

Gusto kasi ng ina ni Mark na i-celebrate ang kanilang wedding anniversary habang  nakaburol pa ang kanyang mister dahil sa isang taon ay mag-isa na umano niya itong ise-celebrate.

Samantala, sa kabila ng pagdadalamhati ni Mark sa pagyao ng kanyang ama, tuloy ang kanilang ‘1 for 3" concert sa The Theatre at Solaire kung saan niya kasama sina Christian Bautista at Aicelle Santos sa direksyon ni Paolo Valenciano.