Mark at Winwyn, hiwalay na!

February 14, 2019
Winwyn Marquez & Enzo Pineda

Ang pag-amin ni Winwyn Marquez ng breakup nila ni Mark Herras ang naging highlight ng mediacon kahapon ng pelikulang Time & Again ng Regal Entertainment.

Nahalata agad ng entertainment press na something was wrong dahil sa sagot niya nang kumustahin ang kanyang Valentine’s Day.

“Wala po akong plano for Valentine’s. Busy,” ang sagot ni Winwyn.

Kaya naman nag-follow-up na agad ng tanong kung hiwalay na sila ni Mark at hindi naman nag-deny ang aktres.

“Paano ko ba sasagutin?” ang simula niya.

“Hindi siguro, ano now, we’re doing our own things. I’m busy with my own work, he’s doing his own work, so, yeah. Opo, actually, yeah, I’m single right now,” pag-amin ng aktres/beauty queen.

Dagdag pa niya, “Siguro, nasa isip n’yo, ‘bakit?’ Okay kami, we’re both okay, naghiwalay kaming maayos and it was a mutual decision.”

Nilinaw din niya agad na walang third party.

“Walang away, walang third party, My God, parang awa n’yo na, hindi ’yun talaga ang reason.

“We’re both okay, nag-uusap pa rin naman kami,” she said.

Ayaw nang sabihin ni Winwyn kung ano ang dahilan pati na kung kailan sila nag-break.

Basta recently lang daw at sa kanila na raw sana kung anuman ang reason.

Kahit wala siyang ka-date for Valentine’s kahapon ay okay lang daw dahil busy naman siya sa work.

“Working Valentine’s Day, so, okay naman,” sambit niya.

Samantala, kung hindi naging successful ang relasyon nila ni Mark, happy naman sa kanyang career ngayon si Winwyn dahil nag-level-up na nga siya to leading lady material.

Pagkatapos ng Unli Life with Vhong Navarro last year, the 26-year-old actress topbills the upcoming Valentine movie, Time & Again, opposite Enzo Pineda.

Ayon kay WinWyn, hindi pa rin siya makapaniwala na leading lady na siya.

“Parang hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin, actually. Parang launching movie ko na rin kasi ’yung story na umiikot kay Apple (her character).

“I never thought I’d watch myself on the big screen. Hindi ko alam na mabibigyan ako ng ganu’ng opportunity,” pahayag pa ng dalaga.

Mula sa direksyon ni Joey Reyes, showing na sa Feb. 20 ang Time & Again.