Marlo continues journey without Janella

October 29, 2019
Marlo Mortel

MARLO Mortel says his horror flick, “Santigwar”, will surely give viewers a good scare when it opens in theaters on October 30. “The last horror movie I did, ‘Haunted Mansion’, with Janelle Salvador, was a big hit sa MMFF,” he says. “Tungkol 'yun sa multo and ‘Santigwar’ naman is about aswangs. I’m paired with Pam Gonzales, the daughter of Sharon Cuneta na nagmulto in ‘Kuwaresma’. Dito naman, anak siya ng aswang who invited us ng friends ko to their remote province. Di namin alam, ipapakain pala kami sa nanay niyang aswang, si Aubrey Miles. Many scenes are really spooky and creepy.”

Marlo was discovered when he was paired with Janella in “Be Careful with My Heart”. “Actually, ang goal ko talaga is to be a singer. Sinamahan ko lang 'yung girlfriend ko then sa taping ng ‘Be Careful’ and by chance, ako’ng nakuha. But before that, sumali ako sa ‘Are You the Next Big Star’ ng GMA, but hindi ako pinalad. Sumali rin ako sa ‘X Factor’, pero wala rin. 'Yan nga, sumali uli ako sa ‘Tawag ng Tanghalan’, celebrity edition, natalo ako ni Ethel Booba, na magaling naman talaga. Pero sali ako nang sali kasi mahilig talaga akong kumanta.”

In his next movie, “Damaso, The Musical”, he finally gets the chance to sing in a movie. “I really enjoyed it. Ako si Damaso sa present day at 'yung Padre Damaso in the past sa Spanish times, he’s played by Arnell Ignacio. Kasama rin dito si Vina Morales as Sisa. It’s actually a movie within a movie and Aiko Melendez plays the film producer sa present day. ‘Damaso The Musical’ will be shown naman in theatres starting November 20.”

How about his lovelife after he was linked to Janella? “Wala. Boring nga ang buhay ko. Walang thrill. Focused kasi ako sa daddy ko. After my mama passed due to the big C last year, siyempre, malungkot ang dad ko. E, kaming dalawa lang sa buhay, kasi only child ako. Para aliwin siya, last month, dinala ko siya sa States. Natira kasi siya roon nang matagal and nami-miss niya so dinalaw namin ang relatives namin doon, sa Los Angeles and sa San Francisco. It’s my first time there kaya nag-enjoy ako. Next time, gusto ko naman sa New York siya dalhin.”