Martin Del Rosario, makikipag-date online

July 08, 2020
Martin Del Rosario
Martin Del Rosario

NGAYONG Huwebes (July 9), 8pm, ang award-winning actor na si Martin Del Rosario ang celebrity searcher sa GMA Artist Center online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol.’ 
 
Kung gustong maka-e-date si Martin, sabihin lang sa comments section ng kanyang Instagram post kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin. 
 
Samantala, isang lalaking malapit sa kanyang lola ang napiling maka-e-date ni Bianca Umali sa online dating show nitong July 2. Nakita kasi ng Kapuso actress na pareho sila ng binata na may espesyal na puwang sa kanilang puso ang kanilang lola.