Martin, ’di mabuting asawa pero naging mabuting ama

June 24, 2019

SI Robin Nievera ang special guest performer ng reunion concert tour sa Amerika at Canada ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez billed as “Two-gether Again 2019,” their first concert tour in years na hindi sila nagsasama sa concert stage.

Si Robin ay panganay sa dalawang anak ng dating mag-asawang Martin at Pops na ang bunso ay si Ram.

Malamang na isama ni Robin sa tour ang kanyang long-time girlfriend na si Zia Quizon, anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Samantala, hindi man naging perfect husband si Martin kay Pops, he is a good father to his three sons na sina Robin, Ram at Santino.

Martin is still welcome sa mga special family gatherings ng kanyang ex-wife, isang indikasyon na napanatili ng dating mag-asawa ang kanilang magandang relasyon maging sa kanilang respective in-laws.

Narito ang confirmed concert tour schedule nina Martin at Pops sa Amerika na magsisimula on August 10, 2019 (Saturday) at 7 p.m. sa Palace Theatre ng Los Angeles, California na susundan on August 17 (Saturday) sa Chumash Casino Resort sa Sta. Ynez, California, August 24 (Saturday) sa Thunder Valley Resort Casino – Outdoor Amphiteater sa Lincoln, California; August 31 (Saturday) sa California Center for the Arts sa Escondido, California; September 6 (Friday)  sa Copernicus Center sa Chicago, Illinois and on September 8, Sunday sa Morongo Casino Resort sa Cabazon, California and the rest of September ay sa iba’t ibang lugar naman ng Canada.

Umaasa rin ang dating couple na sana’y magkaroon sila ng major concert either sa Big Dome (Araneta Coliseum) o sa SM MOA Arena hopefully next year.