Marya, tinatablan kay Arjo!

January 17, 2019

Comeback teleserye ni Maricel Soriano ang The General’s Daughter sa ABS-CBN starring Angel Locsin matapos ang Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA-7 noong 2014.

Ito rin ang kanyang first series ulit sa Kapamilya network matapos ang mahahabang taon.

Ayon sa Diamond Star, ang ganda ng story at ang pagkakataong makasama si Angel ang kanyang ikinonsidera kaya niya tinanggap ang TGD.

Ginagampanan niya ang role ni Isabelle, ina ng karakter ni Arjo Atayde, gumaganap naman sa papel na special child.

Sa grand mediacon ng serye last Wednesday, nahilingan si Maria na i-rate si Angel bilang aktres in a scale of 1 to 10.

“Otso,” sagot agad ni Maricel.

Pagdating kay Arjo, diretso niya ulit ng sagot, “From 1 to 10, 10.”

Inamin ng magaling na aktres na talagang ibang klaseng aktor si Arjo at bihira raw siyang magkatrabaho ng ganito kahusay.

“’Yun talagang saludo ako. Ako sasaludo? Bakit, aba ’yung general? Hindi naman ako, ’di ba?” pagbibiro ni Marya. “Pero ang point ko lang, mahusay siya na sobra akong tinatablan ’pag umaarte.

“Kasi siya ang anak ko na everytime, kapag nakikita kong umiiyak ang anak ko, it breaks my heart. Totoo. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ’yung paghanga ko sa kanya, nabe-verbalize ko talaga,” papuri ni Marya.

Nagpasalamat naman si Arjo sa aktres sa papuring binitiwan tungkol sa kanya.

Ayon sa aktor, malaking honor a makatrabaho si Maricel at ang buong cast.

Magsisimula na sa Jan. 21 ang TGD at kasama rin dito sina Paulo Avelino, JC de Vera, LoiNie (Loisa Andallo and Ronnie Alonte), Janice de Belen, Eula Valdez, Ryza Cenon, Albert Martinez, Tirso Cruz III at marami pang iba.