Masaya sa muling pagsasama

August 21, 2019

SAMANTALA, masaya si Dennis Padilla na muli silang nagsama-sama nina Janno Gibbs at Andrew E. sa pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sangwapo” na kanilang reunion movie after 12 years matapos silang magsama-sama sa pelikulang “Si Mokong, Si Astig at sa Gamol” in 1997 na produced din ng Viva Films.

Si Janno na nagbalik sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) kamakailan lamang  ang  umano’y  nag-suggest kay Boss Vic del Rosario na magkaroon sila ng reunion movie nila nina Dennis at Andrew E. at pinagbigyan naman sila ng big boss ng Viva at kinuha ang actor-director na si Al Tantay to direct the movie na siyang huling pelikulang ginawa ng namayapang  veteran actor na si Eddie Garcia.  Tampok din sa nasabing comedy film sina Louise de Los Reyes, Cindy Miranda at Vanessa Wright kasama sina Julian Trono, Vitto Marquez at Andres Muhlach na siyang gumanap na young version nina Andy, Johnny at Dondon, ang mga characters ng tatlong leads na sina Janno, Andrew E. at Dennis na lahat nagsimula sa bakuran ng Viva Films.

Ang “Sanggano, Sanggago’t Sangwapo” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa September 4.