Matitibay na pader

May 18, 2019

SAMANTALA, kung natibag na ang Estrada-Ejercito dynasty sa San Juan at Manila at Eusebio sa Pasig, mukhang matibay pa rin ang mga Revilla-Bautista sa Cavite, ang mga Singson sa Ilocos Sur maging ang mga Marcos sa Ilocos Norte.

Muling nakalusot sa Senado si Bong Revilla, Jr., ang anak niyang si Jolo Revilla bilang vice-governor ng Cavite, wife ni Bong na si Lani Mercado bilang mayor ng Bacoor, ang younger siblings ni Bong na sina Strike Revilla bilang kinatawan ng Bacoor, Rowena Bautista-Mendiola bilang konsehal ng Bacoor at ang younger sister nilang si Andrea `Andeng’ Bautista-Ynares bilang mayor ng Antipolo City in Rizal.

Ang dating gobernadora ng Ilocos Norte na si Imee Marcos ay lusot bilang senador.  Pinalitan naman siya sa pagka-governor ng kanyang anak na si Matthew Marcos Manotoc habang vice-governor naman ang kamag-anak nilang si Mariano Marcos II at kinatawan ng Ilocos Norte si Eugenio Angelo Barba. Balik-mayor naman ng Tacloban ang first cousin ni Imee na si Alfred Romualdez at another first cousin, si Ferdinand Martin (FM) Romualdez bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Pagdating naman sa mga Singson, mukhang mahirap tibagin ang political dynasty ng mga Singson ng Ilocos Sur.

Ang Singson patriarch na si dating Gov. Chavit Singson ay nahalal na mayor ng Narvacan, Ilocos Sur. Nananatili pa ring governor ng Ilocos Sur ang anak niyang si Ryan Singson at  vice-governor naman si Jerry Singson.  Balik-Kongreso naman ang isa pa niyang anak na si Ronald Singson, si Kristine Singson ng ika-1st district maging si Reagan Singson ng Candon, Isabela.  Si JP Singson ay councilor, si Alfonso Singson bilang kinatawan ng 1st district, si Kristelle Singson bilang vice-mayor ng Candon City, Erickson Singson as mayor ng Candon at provincial board member naman siJimboy Singson at konsehal si Alfonso Singson.