Matteo bagay ang military uniform

May 31, 2019

BAGAY na bagay sa triathlete, singer-actor, celebrity endorser and restaurateur na si Matteo Guidicelli ang kanyang military uniform nang ito’y dumalaw sa Maguindanao kamakailan lamang at tuwang-tuwa ang mga batang makita siya lalupa’t bihira silang makakita ng artista o celebrity.

Si Matteo ay boluntaryong pumasok for military training bilang isang reservist na may ranggong 2nd lieutenant last May 27 na tatagal ng 45 days na walang komunikasyon sa outside world including his family and his longtime girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sa paglabas ng Camp Tecson (in Bulacan) on July 1 ay saka naman haharapin ni Matteo ang kanyang kabi-kabilang commitments at kasama na rito ang kanyang promotion ng kanyang debut single under Viva Records, ang “Sundo,” his own cover ng 2006 Imago hit, his debut album at bagong pelikula under Viva Films.

At 29 (turning 30 on March 26, 2020), marami na rin ang nag-uudyok sa binatang singer-actor na mag-propose na sa kanyang longtime girlfriend na si Sarah.

“It will definitely come,” nakangiti nitong tugon sa launching ng kanyang first single na “Sundo” na ginanap sa full house na Music Hall in Metrowalk last May 24 bago siya pumasok sa kanyang military training.

Samantala, ngayong nasa iisang umbrella na sila ng kanyang girlfriend na si Sarah, hindi malayong magtambal sila sa pelikula maging sa concert at recording.

“Everything is possible,” aniya.

Since the very start ng kanilang relasyon ni Sarah ay never pang nagsama sa isang pelikula, TV show o concert ang dalawa.