Matteo breaks silence through Instagram

February 26, 2020
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

KUNG hindi nagkaroon ng pagbabago sa plano kahapon, posibleng nagkaharap at nagkausap na si Matteo Guidicelli at si Jerry Tamara, ang bodyguard ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo.

Ang broadcaster  na si Raffy Tulfo ang instrumento sa paghaharap ng dalawa dahil siya ang nilapitan at hiningan ng tulong ni Tamara noong Lunes, February 24.

Detalyado na ikinuwento ni Tamara sa radio program ni Tulfo ang kaguluhan na nangyari sa pribado na wedding reception nina Sarah at Matteo sa Ministry of Crab restaurant dahil sa pagdating ni Divine, ang ina ng singer-actress na tutol sa pagpapakasal ng anak niya.

Inireklamo ni Tamara na sinuntok siya ni Matteo na pinabulaanan nito at maging ni Sarah.

Nagsalita na rin sa TV Patrol noong Martes si Letty Fuentes, ang relationship counsellor nina Sarah at Matteo. Pinaniniwalaan na may permiso ng bagong kasal ang pagpayag ni Fuentes na ikuwento kay MJ Felipe ng TV Patrol ang kumpletong detalye ng kaguluhan na naganap sa wedding reception. Gaya nina Sarah at Matteo, itinanggi ni Fuentes na sinaktan ng aktor si Tamara.

Sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng kanilang civil wedding noong Huwebes, February 20, 2020, binasag ni Matteo ang  pananahimik sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon.

“A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli.

“First and foremost, we would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together.

“We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

“Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.

“That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never ‘punched’ anyone.

“I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.

“In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support!

"Again, from the deepest part of our hearts thank you,” ang Instagram post ni Matteo na ipinagbunyi ng mga sumusuporta sa relasyon nila ni Sarah.