Home>Entertainment>Showbiz>Matteo gusto nang maging ama

Matteo gusto nang maging ama

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

INAMIN ni Matteo Guidicelli that he can’t wait na maging isang ama at Makita si Little Matteo o Little Sarah pero they’re taking it slow dahil gusto niyang mag-enjoy muna nang husto ang pagiging couple.

Hindi ikinakaila ng mister ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na he can’t be any happier ngayong may asawa na siya at sa kanyang pagtulog at paggising ay katabi na niya ang kanyang mahal na misis.

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Matteo ay ang kanyang online show na “The Pop Stage” which is co-presented ng Popeyes, isang fast-food restaurant na ini-endorso ng actor at ang management company nila ni Sarah, ang Viva Artists Management.

Samantala, malapit na ring simulan ni Matteo ang “Penduko”movie sa Epik Studios ng Viva Films.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger