Matteo handa na bilang Penduko

October 24, 2019
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

PHYSICALLY, emotionally and mentally ay handang-handa na si Matteo Guidicelli na gampanan ang pinakamalaking role bilang actor, ang Pedro Penduko na magkakaroon ng super powers sa pelikulang “Penduko” na nakatakdang pamahalaan ni Jason Paul Laxamana na siya ring sumulat ng script.

Ngayong November magsisimula ang filming ng “Penduko” na siya ring magsisilbing unang action-fantasy movie na ididirek ng batang filmmaker under Viva Films and Epik Studios na nakakatakdang ipalabas in 2020.

Malaking advantage kay Matteo ang pagiging althletic.  Nakatulong din sa kanya ang isang buwang extensive training bilang isang army reservist at ang regular na paggi-gym at actual training sa fight instructor na si Sonny Sison na dalawang buwan na rin niyang ginagawa.

Nakita namin kina Matteo at Direk Jason ang kanilang excitement na simulan ang isang malaking proyekto.

Ayon kay Direk Jason, isang modern Pedro Penduko ang matutunghayan kay Matteo pero hindi pa rin umano mawawala sa pelikula ang Pinoy touch at kultura na very much identified sa karakter.

Since Bisaya o Cebuano si Matteo, ididikit sa kanya ang bago niyang character as Pedro Penduko.

Samantala, inamin ni Matteo na very proud siya sa bagong movie ng kasintahang si Sarah Geronimo, ang “Unforgettable” na patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan.

Since hindi siya nakasama sa premiere night ng movie na ginanap  sa Cinema 1 ng SM Megamall last Monday, panonoorin na lamang daw nila ito ni Sarah sa regular run.

Natawa si Matteo nang ito’y tanungin namin kung siya ba’y nagselos sa bagong `leading man’ ni Sarah  sa movie na si Milo (Happy) na isang trained dog.

Samantala, napag-alaman namin na naka-P5.1-M sa opening day ang “Unforgettable” movie ni Sarah na magkatulong na dinirek nina Jun Lana and Perci Intalan na lalo pa umanong lumakas sa mga sumunod na araw dahil sa magandang feedback mula sa mga taong nakapanood na ng movie na nabigyan ng `B’ rating ng Cinema Evaluation Board (CEB).