Matteo mukhang hindi pa handang pakasalan si Sarah

November 15, 2018
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

MAHIGIT apat na taon na rin ang relasyon ng magkasintahang Sarah Geronimo (30) at Fil-Italian actor na si Matteo Guidicelli (28) pero hanggang ngayon ay wala pa ring plano ang dalawa na magpakasal.

Si Sarah ang pinakamatagal na naka-relasyon ni Matteo habang first serious boyfriend naman ni Sarah si Matteo.

Isa-isa na ring nagsisipag-asawa ang ilan sa mga close friends ni Sarah tulad ni Rachelle Ann Go na ikinasal sa kanyang American executive husband na si Martin Spies at si Christian Bautista naman ay ikakasal na ngayong November 17 sa kanyang non-showbiz fiancée na si Kat Ramnani sa isang lugar sa Indonesia.

At 30, nasa edad na si Sarah na lumagay sa tahimik lalupa’t naabot na niya ang rurok ng kanyang career. Pero mukhang hindi pa handa si Matteo na malamang naghihintay pa na siya’y sumampa sa 30 which is two years from now.   

Kung tutuusin, kaya nang bumuhay ng isang pamilya ni Matteo dahil bukod sa galing ito sa isang well-to-do family in Cebu, maganda rin ang takbo ng kanyang career at itinayong restaurant business na may dalawa nang branches ngayon, isa sa Cebu at isa sa Alabang.