Home>Entertainment>Showbiz>Matteo na-bash dahil lang sa unboxing?

Matteo na-bash dahil lang sa unboxing?

Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

KALIWA’T kanan ang batikos ngayon kay Matteo Guidecelli sa social media.

Kaugnay ito sa unboxing ng kanyang inorder na PS4. This 8th generation video home game console is now the latest craze among video gamers. Sa kanyang sariling You Tube channel, makikita kung paano niya winarak ang box. Na binatikos ng ilang bashers.

Dapat daw ay dahan-dahan niyang binuksan ito bilang pagpapahalaga sa nasabing game console. Napaka-insensitive raw niya dahilan sa dami raw nangangarap na makabili nito; samantalang siya parang walang halaga lang ito sa kanya. Depensa naman ng kanyang fans, military style daw ang kanyang pagbubukas ng box at wala na itong arte pa.

Sa umpisa pa lang, inamin na ni Matteo na hindi raw siya magaling sa unboxing. Ngunit sa kabila nito, na-bash pa rin ang aktor. Kinumpara pa siya sa ginawang unboxing ni  Michael V sa kanyang bagong PS4. Pero ang isa sa mga unfair na comment ay ang pagkukumpara sa kanyang relasyon sa asawa nito na si Sarah Geronimo. Na baka ganyan din daw  niya itrato si Sarah. Ito raw ang dahilan kung bakit ‘di siya tanggap ni Mommy Divine hanggang ngayon.

Dahil lang sa unboxing, kung anu-ano na ang panlalait na ibinato sa aktor. Apektado nga ba si Matteo sa pamba-bash sa kanya ngayon? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal