Matteo pangarap maging Tarzan

February 14, 2019
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

INAMIN ng triathlete, singer-actor, celebrity endorser at entrepreneur na si Matteo Guidicelli during his recent management contract signing with Viva Artists Agency (VAA) na pangarap niyang makagawa ng action movie balang araw.  And if there is one particular role na gusto niyang gampanan ito ay ang papel ng iconic fictional character na Tarzan na lumaki sa gubat at gusto niyang gawin ang mga action and heroic adventures nito. Hindi naman mapapahiya si Matteo na magsuot ng bahag, ang costume na identified kay Tarzan dahil sa ganda ng katawan nito.

Bukod sa pagiging singer at actor, kilala si Matteo sa pagiging health buff at pagkahilig sa iba’t ibang uri ng sports making him qualify as an action star.

Ngayong nasa bakuran na si Matteo ng Viva na siya ring nangangalaga sa career ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo since 2003, hindi na imposible ang pagsasama ng dalawa sa isang project, either sa concert o pelikula.  Posible rin silang magsama sa isang album dahil nariyan ang Viva Records.

“Everything is possible,” nakangiting pahayag ng Cebuano Fil-Italian singer-actor.

Sa darating na March 26 ay magtu-29 na si Matteo.  Would this be the right age for him to settle down with Sarah?

“Of course, darating din naman tayo diyan pero hindi pa sa ngayon,” deklara niya.

“What is important, we’re both enjoying the ride of our relationship,” dugtong pa niya.

Matteo and Sarah will be celebrating their 6th  anniversary as sweethearts this year.