Matteo papalagan na ni Sarah

June 01, 2019
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

NAKA-SHAVE na ang buhok ng 29-year-old triathlete, singer-actor at entrepreneur at nobyo ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

Si Matteo ay boluntaryong pumasok nung May 27 sa scout ranger training  ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Tecson in San Miguel, Bulacan na tatagal ng 45 days.  Isa sa mga requirements ng training ay ang kanyang pagpapakalbo ng kanyang buhok na hindi naman tinutulan ng singer-actor.

Dahil sa pagiging athletic ni Matteo, tiyak na papasa siya sa iba’t ibang training program  na kanyang susuungin na hindi naman niya ikinakatakot.

Bago ang kanyang training sa military ay sumali rin si Matteo sa Philippine Coast Guard Auxillary kasama ang mga mister nina Anne Curtis at Solenn Heussaff na sina Erwan Heussaff at Nicolo Bolzico.

Samantala, very commendable ang ginawang ito ni Matteo na siya pa ang nagkusa sa kanyang scout ranger training sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz.

Sino kayang showbiz male personality ang susunod sa ginawa ni Matteo?

Ano kaya’t sobrang mawili si Matteo sa kanilang military training at ipagpatuloy nito ang kanyang military service sa halip na maging military reservist lamang?

Siguaradong papalag si Sarah G.!