Matteo pwede nang pakasalan si Sarah

July 17, 2019
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring hinihintay ng kanilang fans at ng publiko kung kelan magpu-propose si Matteo Guidicelli sa kanyang long-time girlfriend na si Sarah Geronimo.

“That will come,” maiksi niyang tugon.

Kung gugustuhin ni Matteo na mag-settle down na with Sarah ay wala nang magiging problema dahil pareho na sila of age at stable ang pinagkakakitaan. Liban pa rito, galing sa isang buena familia sa Cebu si Matteo at kayang-kaya na niyang bumuo ng sariling pamilya.

Aminado si Matteo na si Sarah ang pinakamatagal niyang nakarelasyon at umaasa rin siya na silang dalawa ang magkatuluyan.

Gustung-gusto ni Matteo ang pagiging simple and humble ni Sarah  bukod pa siyempre sa pagiging caring and family-oriented nito.

Speaking of Matteo, now it can be told na siya na ang final na gaganap sa folk hero na “Pedro Penduko” na inatrasan ni James Reid na nagkaroon umano  ng shoulder injury dahil sa training sa nasabing movie project.

Kung natuloy sana si James sa “Pedro Penduko” ay si Nadine Lustre sana ang gaganap sa papel ni Maria Makiling sa pelikula but since hindi na siya ang gaganap sa title role, malamang na ang role ng Maria Makiling ay mapunta kay Sarah na magkakaroon ng special role in the movie.

Ang “Pedro Penduko” ang magiging launching movie ni Matteo na nakatakdang simulan any day soon under Epik Productions na subsidiary ng Viva Films.

Exciting ang takbo ng career ngayon ni Matteo sa bakuran ng Viva kung saan siya lumipat kamakailan lang.  Nasa iisang home studio na sila ngayon ni Sarah kaya hindi imposible na magsama ang dalawa sa isang movie project, TV series, recordings at maging sa concert stage balang araw.