Matteo sa November pa magsisimula

September 20, 2019
Matteo Guidicelli

SA buwan ng November na magsisimulang mag-grind ang pelikulang “Pedro Penduko” na pagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Empoy Marquez kasama ang child star na si Alonzo Muhlach.  Ito’y pamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana na kagagaling lamang sa hit movie na “Just A Stranger.”  Si Direk Paul din ang director ng dalawang pelikulang nanguna sa first two PPP, ang “100 Tula Para kay Estela” at “The Day After Valentine’s“ na parehong tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos. Siya rin ang director ng 2019 movie na “Between Maybes” na pinagbidahan ng controversial pair na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.  He also directed “Love is Blind,” “So Connected,” “To Love Some Buddy,” “2cool 2be 4gotten” at iba pa.

Samantala, si Matteo ang ikaapat na actor na gaganap sa papel ni “Pedro Penduko” sa pelikula.  Nauna na rito sina Efren Reyes, Sr., Ramon Zamora at Janno Gibbs (twice) at si Matt Evans naman sa telebisyon.

Wala pang linaw kung magkakaroon ng guest participation sa movie ang Pop Princess na si Sarah Geronimo to play the role of Maria Makiling.

The “Pedro Penduko” project was first offered to James Reid but he later backed out from the project at kasunod na rito ang kanyang pagkalas sa pamamahala ng Viva Artists Agency (VAA).