Matteo at Sarah inaasahang susunod nang magka-baby

July 06, 2020
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo

EXCITED ang singer-actor, celebrity endorser, athlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng kauna-unahang pamangkin sa kanyang elder sister na si Giorgia at husband nitong lawyer na si Ian Dato.  Baby girl ang magiging unang supling ng mag-asawa na inaasahang lalabas sa buwan ng Oktubre.

Excited din ang parents ni Matteo na sina Giancula at Glenna Fernan-Guidicelli dahil magkakaroon na sila ng apo for the first time.

Inaasahan namang susunod na sina Matteo at Sarah who is turning 32 on July 25.