Matteo at Sarah sa beach namataan nung Valentine’s Day

February 16, 2019
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

MUKHANG sa isang kilalang beach resort nag-celebrate ng Valentine’s Day ang magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung  ang selfie photo  nilang magkasama ang pagbabasehan na in-upload ng singer-actor sa kanyang Instagram account with matching nakakakilig na mensahe para sa kanyang minamahal na si Sarah.

“Celebrating love with you.  You’ve made it feel so special, so new, so fresh.  Thank you for your beautiful soul.  I love you forever.  Happy Valentine’s!  You are the most beautiful, magical human being ever!”

Bago ang Valentine’s Day ay sandali naming nakausap si Matteo sa kanyang contract signing with Viva Artists Agency (VAA), his new management company.  Inamin ng binata na may Valentine’s date sila ni Sarah dahil pareho silang libre sa araw na 'yun.

Matteo and Sarah will be celebrating their 6th anniversary as sweethearts this year.  Since malapit na ang ika-29th birthday ni Matteo on March 26, tiyak na maghahanda si Sarah ng surprise birthday gift  para sa nobyo.