Matteo at Sarah, sorpresa ang selebrasyon ng V-Day

February 10, 2019
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Aware si Matteo Guidicelli na nagkaroon ng isyung nag-propose na kay Sarah Geronimo dahil nga sa singsing na nakitang suot ng girlfriend, pero ayon sa aktor, hindi siya ang nagbigay nu’n.

“It’s too small,” sey ni Matteo, sabay-tawa at binawi rin niya by saying na joke lang ’yun.

May plano na ba sila to settle down?

“Hopefully, hopefully, you know, that’s the long-term dream goal and, hopefully, one day, we’ll see.”

Napag-usapan nga na nagkaroon ng isyung nag-propose na siya kay Sarah at sey ni Matteo, nagulat din siya.

“’Yung may singsing yata siya or something,” sey ng aktor at nilinaw na hindi  siya ang nagbigay ng singsing na ’yun.

Natanong din kung ano ba ang Valentine plans nila at hindi pa ito masabi ni Matteo dahil biro niya, iba-block-off muna niya ang schedule ng girlfriend ngayong nasa isang management na sila.

Pero sana nga raw, walang schedule ang GF. Siyempre, ayaw daw niyang sabihin kung paano nila ito ipagdiriwang.

“Kapag sinabi ko, hindi na surprise,” natatawa niyang sabi.

Ano ang pinaka-memorable Valentine nila ni Sarah?

Natawa si Matteo at tila ayaw sagutin ang tanong pero siyempre, he was asked na sabihin na dahil past na naman.

“Ano ba? Wala lang, usual ano lang, time for each other, just me and her, alam mo ’yun? We eat out, watch a movie, simple lang. ’Yun lang.”

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Sarah at Matteo.

Ayon nga sa aktor, mas nag-mature na ang relasyon nila ngayon.

“It’s not yet perfect and it’s never gonna be perfect, but you know, we’ve been learning so much from each other. And also, Sarah’s grown to be really strong and independent woman and she is continuing to do that,” pahayag pa niya.