Matteo uunahin ang paglilingkod sa bansa kaysa magpakasal kay Sarah

May 17, 2019
Matteo Guidicelli

SIMULA sa May 27 ay 47 days na papasok sa military service ang triathlete, singer-actor at celebrity endorser na si Matteo Guidicelli na boluntaryo niyang gagawin at meron na siyang rank as 2nd lieutenant  reserve ng Philippine Army.

Sa loob ng 45 days ay wala siyang kontak sa kanyang pamilya, sa kasintahang si Sarah Geronimo o sinuman dahil naka-camp in siya sa Camp Tecson in Bulacan without cellphones.  Sasailalim siya ng iba’t ibang intensive military trainings just like what scout rangers are doing.

Ayon kay Matteo, wala umanong nag-udyok sa kanya na gawin ito kundi ang pagmamahal sa ating bansa at umaasa siya na sana’y maka-inspire siya sa ibang young men to do the same.

Sa ibang bansa ay mandatory ang pagpasok sa military service ng mga lalaki  na kadalasang umaabot ng dalawang taon. Ang Pilipinas umano ang pinakamababa ang reserve army na nakakalungkot dahil kailangang-kailangan ito ng bansa.

Nagpaalam ba siya sa kanyang girlfriend na si Sarah G.?

“Yes, of course.  Nung umpisa ay ayaw talaga niya and my parents but I explained to them kung bakit ko ito gagawin at naiintindihan naman nila,” pahayag ni Matteo sa launch ng kanyang debut single under Viva Records, ang sarili niyang cover ng 2006 hit song ng rock band na Imago na pinamagatang “Sundo” na susundan ng kanyang special concert sa Music Hall in Metrowalk on May 24. By July sa paglabas niya sa military service ay haharapin na niya ang recording ng kanyang unang album na kapapalooban ng mga original and cover songs.

Nai-share din ni Matteo na meron din siyang sisimulang pelikula sa Viva Films pero ayaw pa niyang i-reveal kung sinu-sino ang makakasama niya at magdidirek ng movie.

“It’s still a secret but it is a nice project,” aniya.

Ngayong nasa iisang umbrella (Viva) na sila ng GF of more than five years na si Sarah, posible ba silang magsama sa isang movie, TV project, concert or recording?

“Anything is possible.  But right now, we’re focused on our respective solo careers,” paliwanag pa niya.

Aminado si Matteo na it’s with Sarah ang kanyang longest relationship at umaasa siya na silang dalawa ang magi-end-up as a couple baling araw.

Since magti-30 na si Matteo on March 26 next year, nasa plano na ba niya ang mag-propose kay Sarah?

“That will come,” nakangiti niyang tugon.