Mavy and Cassy ginaya ang Oscars sa kanilang birthday party

January 13, 2019
Mavy and Cassy

ZOREN Legaspi and Carmina Villarroel's twins, Mavy and Cassy, turned 18 last January 6 but had their joint (debut) party last January 12 at One Canvas Events Place in Makati City.

Ang gold gown ni Cassy at midnight blue suit ni Mavy ay gawa ng kilalang fashion designer na si Francis Libiran na siya ring may gawa ng purple gown ni Carmina at royal blue suit ni Zoren.

Hindi nagdaraos ng debut ang guy when he turns 18, pero dahil  kambal sila ng sister niyang si Cassy, kasama si Mavy sa Oscars-themed party na silang dalawa mismo ang nag-isip sa tulong ng kanilang ever-supportive parents.

Dumalo ang kanilang mga kaibigan in and out of showbiz at kasama na rito ang mga anak ng celebrity parents who are also carving a name on their own.  Naroon ang dalawa sa mga anak ng estranged couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano na sina Samantha at Angelina Isabelle, si Ria Atayde na anak ng veteran Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez, si Lorin Gutierrez Bektas na anak ni Ruffa Gutierrez sa ex-husband niyang si Yilmaz Bektas, si Alexa Ilacad na pamangkin ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilcad, ang Kapuso brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz, Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes and her special friend na isa ring Kapamilya talent na si Kyle Echarri,  ang magkapatid na Dani and Claudie Barretto, ang mga kapuso teen talents na sina Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Kyline Alcantara at iba pa.  Naroon din ang ang Kapuso lady boss na si Annette Gozon at husband na si Shintaro Valdez. Dumalo rin ang panganay ng dating couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster na si Andre Paras.

Masayang-masaya ang kanilang proud parents dahil nasaksihan nila kung gaano nag-enjoy ang twins in the presence of their friends.

Pero kahit 18 na sina Mavy at Cassy, mas gusto pa rin nilang kinu-konsulta ang kanilang parents when it comes to decision-making .