Mavy and Cassy graduates na rin

June 05, 2019
Mavy and Cassy

TULAD ng unica hija ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana na nagtapos ng  high school sa Everest Academy Manila in Taguig City at nakatakdang mag-aral ng Public Administration sa University of the Philippines ngayong pasukan, grumadweyt na rin sa high school (Reedley International School) ang twins ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy na parehong consistent honor students in school labas pa rito ang kanilang pagiging school varsity players – si Mavy in basketball habang sa volleyball naman si Cassy.

Ang graduation ceremony ay ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University in Quezon City last Sunday, June 2 at tumuloy ang pamilya Legaspi sa Salvatorre Cuomo in BGC sa Taguig for a family gathering.

Hindi pa sini-share ng twins kung anong kurso ang kukunin nila at kung saang school sila mag-aaral.  The twins are co-hosting with their mom Carmina a cooking talk show on GMA, ang “Sarap, Di Ba” every Saturday.  Napapanood din ang kambal sa musical variety show na “Studio 7” bukod sa isang ice cream TV commercial na kanilang sinimulan when they were still kids.  Ngayon ay pareho na silang 18 years old.