Max nanganak na

July 08, 2020
Max Collins

MAGIGING mas makahulugan para sa mag-asawang Pancho Magno at Max Collins ang pagsi-celebrate ng kanilang third wedding anniversary on December 11 dahil meron na silang bagong karagdagan sa kanilang pamilya, ang kanilang first born na isang baby boy na isinilang nung nakaraang Lunes, July 6.

Hindi pa sini-share ng Kapuso couple ang name ng kanilang bagong silang na baby at kung ito’y isinilang sa Melbourne, Australia  kung saan sila huling naroon o kung dito sa Pilipinas.

Si Max (27) na isang Kapuso  Fil-Am actress at Kapuso  actor din na si Pancho (33) ay ikinasal nung December 11, 2017 at nung March 27 naman nila ni-reveal na baby boy ang kanilang magiging first born.