May dahilan kung bakit na-distract si Vickie sa Q&A

June 11, 2019
Vickie Rushton
Vickie Rushton

CEBU emerged as the biggest winner in the recently-concluded Binibining Pilipinas 2019.

Dahil dalawang Cebuana ang nakasungkit ng korona sa coronation night na ginanap sa Smart Araneta last Sunday. Kinoronahan bilang Bb. Pilipinas-Grand International si Samantha Lo ng Cebu City; habang Miss Universe-Philippines title naman ang napanalunan ng pambato ng Talisay na si Gazini Ganados. These two Cebuana beauties were top favorites among the pageant watchers. Other winners include Bb. Pilipinas International 2019 - Bea Patricia Magtanong of Bataan,

Bb. Pilipinas Supranational 2019 - Resham Saeed of Maguindanao,

Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 - Emma Mary Tiglao of Pampanga,

Bb. Pilipinas Globe 2019 - Leren Mae Bautista of Laguna,

Bb. Pilipinas 2019 1st runner-up - Maria Andrea Abesamis of Pasig City, and

Bb. Pilipinas 2019 2nd runner-up - Samantha Bernardo of Palawan.

Major flop naman ang top picks na inilabas ng  Missosology Phillipines. Si Vickie Rushton ng Negros Occidental ang choice nito para sa MUP title. But the celebrity, who won several special awards, went home empty handed - a dismal performance to her BP first runner-up finish last year. Komento ng ilang mga netizen, na-tense daw siya kay Daniel Padilla kaya 'di niya nasagot nang maayos 'yung tanong sa kanya hinggil sa kahalagahan ng mental health. Pero sa interview sa kanya ni ABS-CBN reporter Jeff Fernando sa kanyang You Tube channel, na-distract daw siya sa isang tao sa audience na tumayo at nag-make face sa kanya.

Ngayon pa lang, malaking pressure na ang nakapatong sa balikat ng mga bagong Binibini Queens. Lalo na kay Ganados dahil kailangan niyang tapatan o higitan ang performance ng kanyang predecessor na si reigning Miss Universe Catriona Gray. But let's not pressure her this early as she has to enjoy first her victory as the new queen. As the cliche-ish reaction goes, her win has not yet sunk in.

Speaking of Catriona, her farewell speech was really heartfelt. Mararamdaman mo talaga kung gaano siya ka-sincere at ka-grateful. Sabi nga nila, tagos sa puso ang kanyang pasasalamat sa mga Pinoy na patuloy na sumusuporta sa kanya. She's really a tough act to follow.

Meanwhile, the Binibining Pilipinas has proven its equity as the country's most prestigious pageant. Dahil trending at inabangan talaga ang coronation night nito. Pero aminin o hindi, parang 2-in-1 pageant na siya dahil may sariling team na ang Miss Universe Philippines (MUP). Mukhang dry run na ito ng MUP para sa napipintong pull out nito sa Binibining Pilipinas. Ramdan na ito dahil ang theme song nito na "Raise Your Flag" ang background music habang kinokoranahan ang bagong MUP. Hindi na 'yung nakasanayan nating jingle nito - "... lovely, pretty, captivating, so exciting... Binibining Pilipinas."

Mapapanatili pa kaya ng Binibining Pilipinas ang pagiging "most prestigious pageant" nito 'pag tuluyan nang umalis ang MUP sa poder ni Stella Marquez-Araneta? Just asking...