May naghihintay na grand design para sa ABS-CBN

July 12, 2020

SA kabila ng pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN ng kongreso, patuloy pa ring gumagawa ng iba’t ibang paraan ang major radio and TV network na maipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa bayan  kahit hindi na sila mapapakinggan at mapapanood sa free broadcast platform.

Patuloy pa ring umaasa at nananalig  ang Kapamilya channel, ang kanilang mga empleyado, talents at supporters na darating din ang araw na muli nilang masisilayan ang liwanag sa dilim na bahagi na kanilang kinakaharap ngayon.

Limitado man ang kanilang reach and resources ngayon kumpara noon, naniniwala ang pamunuan ng ABS-CBN  na may grand design na naghihintay para sa kanila balang araw.

Nais din ipaabot ng management ng ABS-CBN ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at nakipaglaban para sa kanila at umaasa sila na sana’y magpatuloy pa rin ang kanilang suporta kahit ibinasura ng kongreso ang kanilang franchise renewal to operate.

After all, wala namang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago.