May nagreklamo sa pagdating ni Catriona

February 17, 2019

MARAMI ang nagreklamong reporter na assigned sa NAIA nang dumating sa bansa ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray.

Hindi raw sila nabigyan ng pagkakataon na makausap man lang ang pang-apat na Filipina Miss Universe. Ang totoo, hindi pa ‘yun ang scheduled arrival niya sa Pilipinas.

Baka inilalaan muna niya ang ilang araw for private matters, tulad ng pagkikita nila ng pamilya at ng BF na si Clint Bondad kaya ayaw niya munang magsalita. Pero nabawi naman niya ito sa kanyang mga kaway at matatamis na ngiti.

Samantala, nasa bakuran na ng GMA ang Fil-German actor boyfriend ng reigning Miss Universe. Si Clint ay co-star nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa upcoming primetime TV series ng Kapuso Network, ang “I Love You Two” na tinatampukan din nina Shaira Diaz, Jerald Napoles  at iba pa.